Parang ayoko na ata. Unti-unti nang pinanghihinaan yung loob ko. Alam ko naman yung pinasok ko eh. Alam ko na kapag nakipagrelasyon ka dapat handa ka masaktan. Kaso ang hirap tanggapin eh. Ang layo na kasi dun sa nasimulan. Hindi kami dating ganito. Hindi siya dating ganyan. Hays.
Siguro dahil narin yun sa mga nagawa ko. Sa mga nagawa nya. Mga nagawa naming pareho. Ewan ko. Naguguluhan na ako. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na siya na yung huli. Kung hindi lang din naman siya, wag na.
Nakipagdeal ako. Sealed with prayers. Dapat matupad ko ang promise ko. Kapag nagbreak kami, siya na yung huli. Hindi na ako magpapaligaw o titingin sa iba. I’ll do everything just for myself and my family.
Sana tulungan nya ko na tuparin to. Sana maging okay kami. Sana magtagal. Sana siya na.
08/05/2012 9:36 PM
11:16 am • 14 May 2012
Wag kana nga lalayo saken, mahal kta.
Ewan ko kung anong nasa isip mo ng gabing yun at sinabi mo yan.
Yung totoo? Magtext ka lang ng kahit isa, ang saya-saya ko na. Yun pa kayang magtext ka ng ganyan?
Baka epekto lang ng alak. Baka hindi. Baka seryoso. Gusto ko sana malaman yung ibig mong sabihin kaso sabi mo wala.
Hay ewan! Basta ang alam ko, once in a blue moon lang yang Mahal Kita. Kaya dinama ko talaga.xD ang sarap kaya ng tulog ko kapag may ganyan. Hahaha.
Kakaiba ka lang talaga. Sayo lang ako nagkaganito. Yung tipong kaya ko gawin lahat para sayo hangga’t kaya ko pipilitin ko. Kahit madalas wala nang matira sakin basta masaya ka. Yun lang.
Hanggang ngayon tinatanong ko sarili ko kung bakit ikaw. Kaso wala akong mahanap na sagot. Basta mahal kita. At sana, ganun ka rin para kay Joanah.
30/04/2012 8:52 PM
7:06 am • 12 May 2012
Wala akong balak pilitin ka at mag makaawa sayo kung ayaw mo mgtxt. Ok.
Arayy. Nasaktan ako dun. Bakit mo nga ba naman ako pipilitin na magtext diba? Kung marami ka namang iba na pwede makatext pa. :-(
Yung totoo? Kapag inaunli o niloload kita, napapaisip ako. Alam ko naman sa sarili ko na may mali. Hindi lang ako yung nakakatext mo. Sa dami ba naman ng babae dyan sa contacts mo. Tapos lagi pang nakadelete yung mga texts dyan sa cellphone mo. Hindi sa wala akong tiwala sayo. Wala lang akong tiwala sa sarili ko kung kakayanin ko pa na malaman ulit na hindi lang pala ako katulad noon. Sayo ko kaya gawin yun?
Bakit nga ba hindi ako nagttext sayo? Siguro kasi masama yung loob ko. Nagtatampo ako. Pero hindi ako galit sayo. Really. Ang hirap magalit sayo. Hindi mo lang maintindihan tong nararamdaman ko. Kahit maintindihan mo alam ko wala kang pakialam dito.
At kahit sobrang hirap na, kahit nasasaktan na, kahit na gusto ko nang sukuan ka, HINDI KO MAGAWA. Kung merong isangdaang dahilan para iwan na kita, kaya ko yun tumbasan ng libong dahilan kung bakit kailangan kita ipaglaban.
Nakakamiss lang kasi nung simula pa lang. Nung ligawan pa lang. Nung lokohan pa lang. Sana maulit uli. Para maenjoy ko naman. Para matama yung mali. Para mapunan lahat nung pagkukulang. It’s never too late.
I hope so.
1:27 am • 29 April 2012
Ano ba namang mawawala sayo kapag nagtext ka kahit isa lang? Nung nakaraan sabi mo mahal na mahal mo na ako eh. Dati mahal lang.
Eh bt ganyan? Parang kabaliktaran. Kung may surprise man, sabihin mo ng mapaghandaan. :-(
11:32 am • 20 April 2012
Nahihirapan na ako. Napapagod na. Iniisip ko nang sumuko. Gusto ko magpahinga muna. Matulog ng mahimbing.
Kaso alam ko na paggising ko, ikaw parin ang unang iisipin ko. Ikaw parin yung hahanapin ko. Ikaw parin yung mahal ko. Sorry, pero di ko mapigilan yung nararamdaman ko para sayo. :-(
11:30 am • 20 April 2012
Sabi nya gusto nya ng simple, seryoso at tahimik na relasyon.
Simple naman talaga, minsan nag-aaway pero nagbabati. Minsan lang magkasama pero okay parin. Hindi ako materyalosa. Kahit wala akong matanggap, okay lang basta ba may atensyon galing sa kanya.
Seryoso rin. Pilit ako ng pilit na ipapakilala ko sya sa parents kowe. Loyal ako. Faithful din sakanya. Although naranasan ko na ma-two time nya, pinatawad ko naman. Hindi ko pinagsisihan kasi talaga naman masaya ako sa kanya.
Tahimik. Nung simula, oo. Until maraming nakigulo. Naayos naman. At eto, tahimik ulit.
Literal na tahimik. Haven’t heard from him for days. :-(
11:28 am • 20 April 2012
Ang sarap siguro ng feeling na mabigyan ng love letter. Malalaman mo na sincere yung tao sa nararamdaman nya sayo. Plus, hindi sya madidelete. Pwede mong basahin ng paulit-ulit, pwede mo itabi sa pagtulog, pwede itago sa ilalim ng kama, dalhin kahit saan.
Gusto ko makatanggap ng isa. Yung katulad ng mga letters ng parents ko dati. Nakasulat sa stationary, nakaenvelope.:-) Hanggang ngayon, buhay pa. Nababasa ko pa.
Thumbs up sakin yung lalaki na gagawa ng effort na katulad neto. Hindi naman kasi ako materyalosa.
5:53 am • 17 April 2012
What’s with men and your wrist watches? -lovi poe, my valentine girls
I gave him a Dickies G6 wristwatch. Napansin ko kasi na hindi siya umaalis ng bahay na hindi suot ang wristwatch nya.
Parang kanina, kakagising nya lang dahil napagod sa overnight swimming nilang magpipinsan kagabi. Nagulat ako, nung nagpunta sa kin suot parin yung wristwatch nya. Napaisip tuloy ako kung suot nya yun kahit sa pagtulog nya.xD
So yun, through that parang kasama nya ako wherever he go.
12:19 pm • 16 April 2012
Ice candy for SALE! Ube flavored. :-)
10:03 pm • 15 April 2012